3 tiklo sa P1-M shabu

NORTH COTABATO, Philippines – Rehas na bakal ang binagsakan ng tatlong tulak makaraang makumpiskahan ng P1 milyong ha­laga ng shabu sa inilatag na buy-bust operation ng pulisya sa Casilac, Bucana, Barangay 76-A sa Davao City kamakalawa. Pormal na kinasuhan ng pulisya ang mga suspek na sina Camia Menaling Paquital, 61; Halil Sande Menaling, mga residente sa AMS, Awang 2, Dinaig, Maguindanao; at si Edgar Balanay Solano, 48, ng Asucena Street sa Kadayawan Homes, Davao City. Narekober ng pangkat ni P/Senior Inspector Ronald Lao ng San Pedro PNP ang  12-plastic sachet ng shabu na may street value na P1 milyon.

Show comments