Misis utas sa senglot na mister
MANILA, Philippines – Bagsak kalaboso ang isang mister makaraang mapatay sa saksak ang misis nito sa gitna ng mainitang pagtatalo sa Brgy. Sarmiento, Parang, Maguindanao kamakalawa.
Sa report ng Parang Police kinilala ang biktima na si Hermilinda Mangubat, 50-anyos habang ang suspek na mister nito na si Apolinario Tonatos, 50-anyos.
Lumalabas sa inisyal na pagsisiyasat ng mga kapulisan na nakainom na ang mag-asawa nang magkasagutan hanggang sa humantong sa pananaksak kung saan nagtamo ng saksak ang biktima sa kanyang dibdib dahilan ng kanyang kamatayan.
Nangyari ang insidente sa unang araw ng pagsalubong ng Bagong Taon.
Patuloy pa ngayon ang ginagawang imbestigasyon ng mga awtoridad.
- Latest