COA-wa naman ang biktima ng bagyong Sendong
MANILA, Philippines – Libu-Libong storm victims ang wala pang ‘permanent shelters’ sa loob ng nakalipas na tatlong pasko mula ng tamaan sila nang malakas na bagyo Sendong sa kanilang mga probinsiya kahit na may P2.57 billion funding para rito dahil sa kapabayaan diumano ng DSWD.
Ika nga, report from Commission on Audit!
Ayon sa mga asset nang mga kuwago ng ORA MISMO, sa finding ng COA, ang bahagi ng ‘cash assistance’ para sa mga biktima ng bagyong Sendong sa Mindanao noon 2011, diumano’y ginamit sa iba at hindi para sa kanila para magkaroon sila ng permanenteng matitirhan?
Naku ha!
Totoo kaya ito?
‘Kapos ang kolum ng Chief Kuwago dapat bantayan ng madlang people ang isyung ito huwag pabayaan.’
Abangan.
- Latest