Ex-barangay chairman, itinumba

BATANGAS, Philippines – Pinabulagta ang 64-anyos na dating barangay chairman matapos itong tambangan ng motorcycle-riding assassins sa Barangay 6, Lipa City kahapon ng umaga. Kinilala ni Lipa City PNP public information officer P/Senior Inspector Cariza Matel ang biktima na si ex-Chairman Claro Magtibay ng Barangay Lucsuhin sa bayan ng Ibaan, Batangas. Base sa police report, minamaneho ni Magtibay ang Toyota pick-up (TYK-705) nang tambangan ng riding-in-tandem gunmen pagsapit sa bisinidad ng JP Rizal Street bandang alas-10:15 ng umaga. Mabilis namang tumakas ang gunmen patungong G.A. Solis Street matapos ang pamamaril habang patuloy ang imbestigasyon.

Show comments