Magsasaka dinedo sa patubig

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines - Pinabulagta ang 45-an­yos na magsasaka makaraang barilin ng kanyang bayaw na magsasaka dahil sa pagtatalo sa patubig sa Barangay Espiritu, bayan ng  Dingras, Ilocos Norte kamakalawa. Kinilala ni P/Chief Insp. Teddy Rosqueta, hepe ng Dingras PNP ang biktima na si Odelino Trondillo habang arestado naman ang suspek na si Zaldy Verdadero. Lumalabas sa imbestigasyon na nagtalo ang magbayaw kung sino ang magpapatay ng switch sa makina ng bomba sa patubig ng kanilang sinasakang plantasyon ng tabako. Sa gitna ng kanilang inuman ay sumiklab ang matinding sigawan hanggang sa nauwi sa komprontasyon at pamamaril. Narekober sa suspek ang cal. 22 revolver na iginamit sa krimen.

Show comments