3 heavy equipment, sinunog

KIDAPAWAN CITY, Philippines – Tatlong heavy equipment ang sinunog sa panibagong paghahasik ng karahasan ng mga rebeldeng New People’s Army (NPA) sa Barangay Mua-an, Kidapawan City, North Cotabato kamakalawa ng gabi. Sa police report na isinumite kay P/Supt Franklin Anito, hepe ng Kidapawan City PNP, sinalakay ng mga rebelde ang compound ng JArgo Const. Company saka binuhusan ng gasolina at sinilaban ang tatlong heavy equipment. Tinangkang apulahin ng mga sibilyan ngunit tinutukan sila ng baril ng mga rebelde. Pinaniniwalaang pangingikil ang isa sa mga motibo ang nasisilip ni Kidapawan City Mayor Joseph Evangelista kaya sinunog ang tatlong equipment.

Show comments