2 tulak ng shabu timbog sa Cotabato

MANILA, Philippines – Dalawang tulak ng ilegal na droga ang nasakote ng mga awtoridad kahapon sa  Kidapawan City.

Nakilala ang mga suspek na sina Antonio Manogogura, 32, at Eric Orbano, 23, na matagal nang pinaghahahanap dahil sa pagtutulak ng shabu sa 40 barangay sa Kidapawan.

Ayon sa mga awtoridad, lulan ng motorsiklo ang mga suspek nang harangin ng mga pulis sa isang checkpoint.

Nabawi mula sa dalawa ang hindi pa matukoy na dami ng shabu at iba't ibang drug paraphernalia.

Nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o mas kilala sa Dangerous Drugs Act of 2000.

Kasalukuyang nakakulong ngayon sa Kidapawan City jail sina Manogogura at Orbano.

Show comments