^

Probinsiya

2 apo ginilitan, kinuryente ng lolo

Boy Cruz - Pilipino Star Ngayon

BULACAN, Philippines – Kalunus-lunos na kamatayan ang sinapit ng 4-anyos na batang lalaki habang kritikal naman ang kapatid nitong babae matapos silang gilitan ay kinuryerte pa ng sariling lolo sa loob ng kanilang bahay sa Barangay San Juan Baño, bayan ng Arayat, Pampanga kamakalawa ng gabi.

Halos mahati ang leeg nang matagpuang patay sa kama ang biktimang si Jos­hua Sarcia habang isinasalba naman ang buhay ng kapatid nitong 6-anyos na itinago sa pangalang Nene.

Arestado naman ang suspek na si Angel Pineda, 71, pawang nakatira sa Purok 1 sa nabanggit na barangay.

Sa police report na nakarating sa Camp Olivas, Pampanga, lumitaw na nagpapahingan ang mag-utol  sa kanilang kuwarto nang biglang pasukin ng kanilang lolo saka isinagawa ang krimen.

Narinig naman ng mga kapitbahay ang sigaw ng mga bata kaya kaagad silang sumaklolo.

Pinagtulungan agapan ng mga kapitbahay ang tangkang pagpapakamatay ng suspek matapos nitong kur­yentehin ang sarili.

Nabatid na nakaranas ng matinding depresyon ang suspek dahil sa naranasan nitong stroke kung saan ina­min naman ang pagkakasala dahil sa pag-aakalang mga manok ang dalawang apo.

Kasalukuyang pinag aa­ralan ng mga magulang ng dalawa kung kakasuhan ang suspek.

vuukle comment

ANGEL PINEDA

ARAYAT

ARESTADO

BARANGAY SAN JUAN BA

CAMP OLIVAS

KALUNUS

KASALUKUYANG

PAMPANGA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with