Misis inutas sa gulpi ng lover

CAMARINES NORTE, Philippines – Brutal na kamatayan ang sinapit ng 36-anyos na misis matapos itong gulpihin ng kanyang lover dahil sa matinding selos kamakalawa sa Zone 1, Sitio San Juan, Barangay Palestina sa bayan ng Pili, Camarines Sur. Nagkapasa-pasa ang katawan at idineklarang patay sa Bicol Medical Center ang biktimang si Marilyn Caceres habang pinaghahanap naman ng pulisya ang suspek na si Alexander Marpuri ng nasabing bayan. Ayon sa ulat, huling namataang buhay ang biktima na  nakikipagtalo sa suspek hanggang sa mauwi sa panggugulpi sa misis. 

Show comments