Chairman dinedo sa sabungan

CAMARINES NORTE, Philippines – Pinabulagta ang 52-anyos na barangay chairman matapos itong pagbabarilin ng di-kilalang lalaki sa labas ng sabungan sa Barangay Umabay Interior, bayan ng Mobo, Masbate kamakalawa ng hapon. Napuruhan sa ulo ang biktimang si Chairman Eric Sanay ng Barangay Lalaguna sa nabanggit na bayan. Nabatid na inabangan ng gunman ang biktima paglabas ng sabungan saka isinagawa ang pamamaril habang patuloy naman ang imbestigasyon.

Show comments