Sundalo dedo sa NPA ambush

MANILA, Philippines – Bulagta ang beteranong sundalo ng 9th Infantry Batta­lion ng Phil. Army na magreremit sana ng pera sa kanyang pamilya matapos itong tambangan ng mga rebeldeng New People’s Army sa Barangay San Antonio, bayan ng Barcelona, Sorsogon, kahapon ng umaga. Ayon kay 1st Lt. Clint Antipala, tagapagsalita ng 903rd Infantry Brigade, lulan ng traysikel ang biktimang si Cpl. Zaldy Bengua na patungong Sorsogon City para magpadala ng pera sa kanilang mahal sa buhay nang ratratin ng mga rebelde.

Show comments