TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines – Tatlong sundalo ng Phil. Army ang malubhang nasugatan makaraang lusubin ng mga rebeldeng New People’s Army ang kampo ng militar sa Barangay Bugbuga, bayan ng Sta. Cruz, Ilocos Sur noong Lunes ng gabi.? Kinilala ni P/Chief Insp. Simon Damoklis, hepe ng Sta. Cruz PNP ang mga sugatang sundalo ng 81st Infantry Batallion na sina Private Rey Bajar, Private Sam Garote at si Private Jacenth Baluyan.? Tumagal ng 15 minuto ang bakbakan bago umatras ang mga rebelde. Naisugod sa isang ospital sa Candon City bago dinala sa ospital ng militar sa 7th Infantry Division sa Palayan City, Nueva Ecija ang mga biktima pero kinailangang ilipat sa AFP Medical Center sa V. Luna, Quezon City.