^

Probinsiya

UP Baguio binulabog muli ng bomb threat

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Sa ikalawang pagkakataon, binulabog muli ng bomb threat ang University of the Philippines (UP) Baguio na ipinagpanik ng mga estudyante, empleyado at professor sa nasabing unibersidad kahapon.

Base sa ulat ng Baguio City Police, bandang alas-9 ng umaga ng makatanggap ng  text message ang mga guro at estudyante sa College of Arts and Communication mula sa hindi nagpakilalang texter hinggil sa bomba umano na itinanim sa kolehiyo at malapit ng sumabog kaya naman agad na tumawag sa himpilan ng pulisya ang pangasiwaan ng Unibersidad.

Mabilis namang nagresponde ang mga operatiba ng Explosives and Ordinance Team ng Baguio City Police bitbit ang mga K 9 dogs, ngunit negatibo naman sa anumang eksplosibo ang unibersidad.

Bago magtanghali ay pinabalik na rin sa kanilang klase ang mga estudyante, professors at empleyado. Unang binulabog ng bomb threat ang UP-Baguio noong Agosto 27 ng taong ito.

Patuloy naman ang imbestigasyon ng mga awtoridad sa kasong ito upang matukoy kung sino ang walang magawa sa buhay na nananakot sa mga estudyante at professor sa unibersidad.

AGOSTO

BAGUIO CITY POLICE

COLLEGE OF ARTS AND COMMUNICATION

EXPLOSIVES AND ORDINANCE TEAM

MABILIS

PATULOY

UNANG

UNIBERSIDAD

UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with