Obrero inutas sa masamang biruan

QUEZON, Philippines – Pinaniniwalaang napikon sa masamang biruan ang isa  sa motibo kaya napatay ang isang obrero matapos itong barilin ng kagawad sa Barangay Mabutag, bayan ng Buenavista, Quezon, kamakalawa ng gabi. Napuruhan sa noo ang biktimang si Erwin Ortiz, habang sumuko naman sa pulisya ang suspek na si Kagawad Gerry Centas, 42, ng nabanggit na barangay na nahaharap sa kasong homicide. Lumitaw sa imbestigasyon, magkasamang nag-iinuman ng alak ang suspek at biktima nang magkapikunan sa masamang biruan na humantong sa pamamaril.

Show comments