Misis ginilitan, mister nagbigti

CAMARINES NORTE, Philippines – Brutal na pinatay ang isang misis matapos gilitan ng kanyang mister saka nagbigti sa kanilang bahay sa Barangay San Sebastian, bayan ng Lagonoy, Camarines Sur kamakalawa. Kinilala ng pulisya ang mag-asawang sina Shirley Malagueno at Rolly Baranda na kapwa nakatira sa Zone 7 sa nasabing barangay. Sa imbestigasyon ng pulisya, huling namataang buhay ang mag-asawa na nagkakasigawan sa kanilang bahay. Nabatid na hindi makayanan ni Rolly ang pag-uugali ng kanyang misis base sa mga text messages ng mister sa kanyang misis. Humingi rin ng paumanhin sa kanyang biyenan si Rolly matapos nitong mapatay ang misis bago siya magbigti, ayon sa text messages. Narekober sa crime scene ang matalim na itak at apat na cellphones. 

Show comments