Tinyente sinaksak ng pugante

QUEZON, Philippines – Sugatan ang 29-anyos na opisyal ng pulisya makaraang saksakin ng puganteng nanlaban kamakalawa ng gabi sa Barangay Ibabang Dupay, Lucena City sa Quezon. Nagtamo ng malalim na sugat sa kanang bahagi ng kamay si P/Senior Inspector Mark Amat, nakatalaga sa himpilan ng pulisya sa bayan ng Sariaya at nakatira sa Barangay Bungoy, Dolores, Quezon.  Balik-kulungan naman ang suspek na si Wilfredo Rosales, 24, nahaharap sa kasong pagnanakaw at nakatira sa Barangay Janagdong sa bayan ng Sariaya.Nabatid na sinalakay ng grupo ni Amat ang pinagkukutaan ni Rosales kung saan habang pinoposasan ay nakatiyempo itong saksakin ang opisyal ng pulisya.

Show comments