Stude inutas ng agaw-motorsiklo

NORTH COTABATO, Philippines – Maagang sinalubong ni kamatayan ang 19-anyos na college student makaraang pagbabarilin ng mga miyembro ng Agaw-Motorsiklo Gang sa Barangay Takepan, bayan ng Pikit, North Cotabato kamakalawa ng hapon. Base sa police report, kinilala ang biktima na si Michael De Ocampo, graduating automotive student sa I-LINK College of Science & Technology. Lumitaw sa imbestigasyon ng pulisya, pauwi na ang biktimang nagmomotorsiklo sa kahabaan ng highway nang harangin at ratratin ng mga di-kilalang lalaki. Nawawala ang motorsiklo ng biktima na sinasabing tinangay ng mga armadong lalaki na miyembro ng Agaw-Motorsiklo Gang habang patuloy naman ang imbestigasyon.

 

Show comments