Nakipaglamay, pinaglamayan

BULACAN, Philippines - Pinaglalamayan na ang 62-anyos na lolo na sinasabing nakipaglamay sa kanyang namayapang kaanak  matapos itong malunod sa ilog dahil sa kalasingan  sa Barangay Sto. Rosario, bayan ng Hagonoy, Bulacan kamakalawa. Natagpuang nakalutang sa ilog ang biktimang si Manuel Dumasig ng Santos Street sa Barangay San Roque, bayan ng Angat, Bulacan. Base sa police report, nakipag-inuman ang biktima sa kanyang mga kaibigan habang pakikipaglamay sa burol ng isa nilang kaanak. Nang malasing ay inihiga ito sa loob ng pampasaherong jeepney na malapit sa ilog. Pinaniniwalaang bumangon ang biktima bago nagtungo sa gilid ng ilog para magbawas subalit kung saan nahulog ito at nalunod dahil sa kalasingan.

Show comments