Aussie hulog mula sa 2nd flr, patay

BULACAN, Philippines – Patay ang 66-anyos na Australian national matapos na mahulog mula sa 2nd floor ng bahay na kanyang kasintahan sa St. Francis Subd. sa Barangay Burol 2nd, bayan ng Balagtas, Bulacan noong Sabado ng umaga. (Oct.4) Sumailalim pa sa operasyon sa Sacred Heart Hospital subalit namatay  din kamakalawa (Oct 8) ang biktimang si Kevin Walter Lay ng Roperly Rock Side, Forest Hill, Queensland, Autralia. Ayon kay PO3 Richard Lagman, kinukumpuni ng biktima ang firewall sa 2nd flr ng bahay ng kanyang ka-live-in na si Gina Oraye nang mahulog ito mula sa inaapakang scaffolding. Nanatili pa ng ilang araw sa intensive care unit ang biktima subalit namatay din dahil sa matinding pinsala sa ulo kung saan ipinaalam na sa Australian Embassy ang naganap na insidente.

Show comments