Trader inutas ng tandem

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines – Napaslang ang isang negosyante makaraang ratratin ng riding-in-tandem assassins sa Barangay Taleb, bayan ng Bangued, Abra kamakalawa. ?Kinilala ni P/Chief Insp. Vic Orcino, hepe ng Bangued PNP ang napaslang na si Victor Corpuz ng bayan ng Bantay, Ilocos Sur.? Ayon sa police report, nagmamaneho ng traysikel ang biktima sakay ang mga pinamiling kambing nang dikitan at ratratin ng motorcycle-riding gunmen. Sumadsad sa gilid ng kalsada ang trike ng biktima matapos itong tamaan ng bala ng cal. 45 pistol sa ulo. ?Kasalukuyan pa rin inaalam ng pulisya ang motibo sa pagpatay sa biktima kabilang na ang alitan sa negosyo.

 

Show comments