^

Probinsiya

Mag-utol todas sa bike

Pilipino Star Ngayon

BULACAN, Philippines – Dalawang magkapatid na pawang binata ang kapwa nasawi matapos na mabangga ang sinasakyan nilang motorsiklo ng isang trailer truck habang binabagtas ang kahabaan ng Brgy. Poblacion, Norzagaray, Bulacan kahapon ng madaling araw.

Hindi na umabot pang buhay matapos na isugod sa Norzagaray Hospital ang mga biktimang sina Dennis Santos, 21, drayber, factory worker, residente ng Brgy. Matictic at kapatid nitong si Alfeo Santos, 18, ng Brgy. Pinagtulayan pawang sa bayang ito.

Kusa namang sumuko sa pulisya ang isa pang drayber na si Edgar Ico, 36, tubong Nueva Viscaya at residente ng Brgy.Sta. Lucia sa Angat.

Base sa imbestigasyon ni PO3 Dwight Danao, dakong alas-2:00 ng madaling araw ay matuling tinatahak ng mga biktima ang kahabaan ng Villarama Highway sa Brgy. Matictic lulan ng motorsiklong Suzuki (WN-8228) patungo sa kanilang kaibigan sa Brgy. Bigte habang tinatahak naman ng Isuzu Ten wheeler trailer truck ( RHJ-335) na minamaneho ni Ico patungo sa kabilang direksyon.

Pagsapit sa kurbadang daan, dito na binangga ng motorsiklo ang kasalubong na sasakyan dahilan upang tumilapon pa ng ilang metro ang mga biktima saka kaagad na binigyan ng paunang lunas ng mga rumespondeng rescue team ng naturang bayan saka isinugod sa ospital habang nawasak naman ang kanilang motorsiklo dahil sa lakas ng pagkakabangga sa trak. (Boy Santos)

 

vuukle comment

ALFEO SANTOS

BOY SANTOS

BRGY

DENNIS SANTOS

DWIGHT DANAO

EDGAR ICO

ISUZU TEN

MATICTIC

NORZAGARAY HOSPITAL

NUEVA VISCAYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with