^

Probinsiya

Van swak sa bangin: 10 sugatan

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Sampu-katao na sinasabing magkakamag-anak ang nasugatan makaraang mahulog ang kanilang sinasakyang van sa malalim na bangin sa gilid ng highway sa Barangay Tigbalag, Zamboanga City, Zamboanga del Sur kamakalawa. Base sa police report na nakarating sa Camp Crame, kabilang sa mga malubhang nasugatan ay sina Ednalyn de Guzman, 21; at Gyneth Lustria habang ginagamot naman sa Doctors Hospital ang iba pa ng sugatang sina  Celso Sedigo, 51; Thomas Seiton, 48; Jesus Seiton, 48; Nonito Seiton, 46; Gina Balunsay, 46; Elma De Guzman, 52; Josephine Lustria, 50; at si Arjan Seiton, 10. Lumilitaw sa imbestigasyon na nawalan ng kontrol sa manibela ang driver ng Mitsubishi Delica na patungong Zamboanga City mula sa Zamboanga Sibugay kaya bumaliktad at gumulong hanggang sa mahulog sa bangin.

ARJAN SEITON

BARANGAY TIGBALAG

CAMP CRAME

CELSO SEDIGO

DOCTORS HOSPITAL

ELMA DE GUZMAN

GINA BALUNSAY

GYNETH LUSTRIA

JESUS SEITON

JOSEPHINE LUSTRIA

ZAMBOANGA CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with