Principal nilikida sa eskuwelahan

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines – Pinabulagta ang 54-anyos na high school principal matapos itong pagbabarilin ng di-kilalang lalaki sa gate ng eskuwelahan sa Barangay Lomboy, bayan ng Angadanan, Isabela kahapon ng umaga.? Kinilala ni P/Senior Insp. Chris Danao, hepe ng Angadanan PNP ang biktima na si Editho Jacinto ng Lomboy National High School sa nasabing barangay. Lumalabas sa imbestigasyon ng pulisya na ina­bangan ng gunman ang biktima na papasok sa nasabing paaralan saka nilapitan at niratrat. Sinamantala ng gunman na makatakas sakay ng motorsiklo. Narekober sa crime scene ang ilang basyo ng bala ng cal. 45 pistol habang patuloy naman ang imbestigasyon.

Show comments