Totoy pisak sa van

BULACAN, Philippines – Kalunus-lunos na kamatayan ang sinapit ng 6-anyos na totoy matapos itong masaga­saan ng van sa kahabaan ng kalsada sa Barangay Sto. Niño, bayan ng Hagonoy, Bulacan kamakalawa ng hapon. Hindi na umabot ng buhay sa Emilio Perez District Hospital ang biktimang si Victorino Dela Cruz Jr. ng Mabini Stret sa Barangay San Sebastian sa nabanggit na bayan habang kinasuhan naman ang driver ng Starex van (ZME-502) na si Michael Jordan Garcia, 26, negosyante at residente sa Brgy. San Agustin. Sa ulat ni PO2 Roderick Verano, naganap ang sakuna dakong alas-2:30 ng hapon habang tumatawid ang biktima. 

Show comments