Mag-utol tiklo sa drug bust

SOLANO, Nueva Vizcaya, Philippines – Kalaboso ang mag-utol na sinasabing nagpapakalat ng bawal na droga makaraang masakote ng mga operatiba ng pulisya sa inilatag na drug bust operation sa Barangay Bagahabag, bayan ng Solano, Nueva Vizcaya kamakalawa. Pormal na kinasuhan ng pulisya ang mga suspek na sina Benito Ragual, at Allan Tobias, kapwa residente ng Christine Village sa nasabing barangay. Nabatid na magkaiba ng apelyido ang mag-utol dahil sa pinaampon lamang si Allan subalit magkapatid sila sa dugo. Nasamsam sa mga suspek ang 9-plastic sachets na shabu at drug paraphernalias.

Show comments