Lasing nahulog sa irigasyon, utas

TUGUEGARAO CITY, Philippines – Kamatayan ang kinahantungan ng isang 35 anyos na magsasaka na pinaniniwalaang lango sa alak matapos itong malunod sa isang irigasyon nang mahulog ang sinasakyan nitong motorsiklo sa Brgy. Daramuangan Sur, San Mateo, Isabela kamakalawa. ?Kinilala ni PO3 Ferdinand Cristobal ang biktima na si Federico Calica Jr. ng Brgy. Namnama, Cabatuan. ?Lumalabas sa imbestigasyon na ginabi ang biktima sa isang inuman sa bahay ng kaibigang si Robinson Subia sa Brgy. San Ignacio. Dahil dito, nagpasyang manghiram si Calicang motorsiklo sa kanyang paguwi sa kaibigan at pagdaan sa lugar ay nahulog ang motorsiklo sa kanal na naging sanhi ng kamatayan nito.

 

Show comments