Sekyu bigo pag-ibig, nag-suicide

SANTIAGO CITY, Isabela, Philippines  – Pinaniniwalaang kabiguan sa pag-ibig ang isa sa motibo kaya nagbaril sa sari­ling sentido at namatay ang 30-anyos na security guard sa bayan ng Santiago, Ilocos Sur kamakalawa. Kinilala ang biktima na si John Rey Rocero, security guard sa eskuwelahan at residente ng Barangay Sibsibu, bayan ng San Emilio, Ilocos Sur. Sa inisyal na ulat na nakara­ting kay P/Senior Inspector Roderick Vintero, hepe ng Santiago PNP, nagpakamatay ang biktima gamit ang cal. 38 revolver. Narekober naman ang log book ang suicide note ng biktima.

Show comments