Magkaibigan nilunod ni kamatayan

CAVITE , Philippines  – Magkasunod na nilunod ni kamatayan magkaibigang lalaki makaraang maligo sa Binigtal River sa Barangay Buenavista 1 sa bayan ng General Trias, Cavite kamakalawa. Kinilala ng pulisya ang mga biktima na sina Jedel Carillo, 28, construction worker; at Rex Enopiquez, 22, warehouseman, kapwa binata at stay-in worker sa Rio De Oro Subd. sa nasabing barangay. Nabatid na nagkayayaang mag-outing at mangisda ang magkaibigan kasama ang kanilang nobya kung saan natuksong mag-swimming sa nasabing ilog. Napag-alamang sumisid si Carillo sa ilalim ng ilog para pumasok sa sinasabing kuweba subalit sa lakas ng agos ng tubig ay tinangay ito. Kaagad namang tinulungan ni Rex ang kaibigan subalit tinangay din siya ng agos kung saan tuluyang nilamon ng ilog.

 

Show comments