Dalagita isinako saka ibinaon

CAVITE, Philippines - Gumuho ang pag-asa ng pamilya ng 16-anyos na dalagita matapos itong gilitan at isinako ay ibinaon sa bahagi ng Barangay San Antonio sa bayan ng Noveleta, Cavite Linggo ng umaga. Nadiskubre ang bangkay ng biktimang si Karen Aguirre na nakalagay sa sako at bahagyang nakabaon sa madamong bahagi sa nasabing lugar. Ayon sa pulisya, nawawala ang biktima noong Huwebes (Agosto 14) kung saan may nag-text sa pamilya Aguirre  na ang bangkay ng dalagita ay ibinaon sa nasabing lugar. Napag-alaman din na natagpuan ang pinatay na kaibigan ng dalaga sa Barangay Sta. Rosa kung saan inaalam ng pulisya kung ang magka­sunod na krimen ay nag-iisa ang suspek. 

Show comments