Lola dedo sa sunog

NORTH COTABATO, Philippines – Patay ang 84-anyos na lola matapos makulong sa kanyang bahay na nasusunog noong Lunes ng gabi sa Purok 4, Barangay Pinamulaan sa bayan ng Banisilan, North Cotabato. Nadiskubre ng ilang residente ang sunog na katawan ng biktimang si Hermohena Sanikolas na sinasabing hindi nakalabas ng kanyang bahay dahil sa katandaan. Sa police report na nakarating kay P/Senior Insp. Jojet Nicolas, tulog ang biktima nang masagi nito ang lampara kaya lumikha ng apoy at tuluyang kumalat sa buong bahay na gawa sa light materials.

 

Show comments