Magtiyahin kritikal sa pamamaril

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines — Alitan sa lupang pinag-aagawan kaya niratrat at malubhang nasugatan ang magtiyahin sa isa na namang paghahasik ng karahasan ng riding-in-tandem gunmen sa Barangay Usol, bayan ng Jones, Isabela kamakalawa ng umaga. ?Kasalukuyang nakikipagbuno kay kamatayan sina Yolanda Sisipen Santos, 46; at Glen Bartolome, 16, kapwa nakatira sa Barangay Napaliong sa nasabing bayan.? Nakaligtas naman ang driver ng motorsiklo na si Marvin Medela, 26. Nabatid na binuntutan ng tandem ang motorsiklo ng mga biktima saka pinagbabaril habang patungo sa Barangay Poblacion.? Sa tala ng pulisya, naunang napatay ang ka-live-in ni Yolanda noong Mayo at hindi pa rin natutukoy ang pagkakakilanlan ng gunmen. Bukod sa alitan sa lupa ay tinitingnan din ng pulisya ang anggulong love triangle bilang motibo sa krimen.

Show comments