Preso nakapuga sa bagyong Glenda

LEGAZPI CITY, Albaty, Philippines— Isang preso na may kina­kaharap na kaso ang nakatakas sa kanyang selda sa kasagsagan ng bagyong Glenda sa  Sta Elena, Camarines Norte, ayon sa ulat kahapon.

Pinaghahanap na ng mga awtoridad ang puganteng si Dante Binamira, 37, nahaharap sa kasong qualified theft at nakapiit sa detention cell ng Sta Elena Municipal Police Station (MPS).

Batay sa ulat ang suspek ay tumakas dakong alas-5:10 ng umaga  sa kasagsagan ng bagyong Glenda na kung saan ay sinira nito ang rehas na bakal ng kanyang selda.

Hindi naman napansin ng mga guwardiyang pulis ang suspek ng ito ay tumakas sa kanyang kulungan dahil sa halos ilan sa mga naka-duty ay naghanap ng lugar para sa kanilang kaligtasan dahilan sa tindi ng epekto ng bagyo.

Show comments