^

Probinsiya

Bihag na DSWD employee nakatakas

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nagawang makatakas ng isa sa apat na emple­yado ng Department of Social Welfare and Deve­lopment (DSWD) na binihag ng mga bandidong Abu Sayyaf Group (ASG) noong Huwebes sa Talipao, Sulu.

Ayon kay PNP-Anti Kidnapping Task Force Sulu Commander P/Chief Supt. Agrimero Cruz Jr., natakasan ni Lerma Jura ang kaniyang mga abductors matapos ang komosyon ng grupo sa Brgy. Danag ng nasabing bayan.

Taliwas din sa napaulat na tatlo, nilinaw ni Cruz  na apat ang DSWD employees na binihag ng mga bandido nitong Huwebes  ng umaga sa Brgy. Upper Sinumaan, Talipao, Sulu.

Bandang alas-5:30 ng hapon nitong Biyernes ng magawang maisahan ni  Jura ang mga kidnapper na natakasan nito sa Brgy. Upper­ Sinumaan ng na­sabing bayan.

Si Jura ay natagpuan ng tropa ng 2nd Marine Battalion habang pagal na pagal sa matinding pagod sa halos walang puknat na pagtakbo nito makaraang matakasan ang kanilang mga abductors.

Sa kasalukuyan bihag pa rin ng mga bandido sina Robert Saputalo, Nurhani Sikangko at isa pang hindi natukoy ang pagkakakilanlan na binihag noong Huwebes habang nagsasagawa ng survey sa Pantawid sa Pamilyang Pilipino Program ng DSWD.

ABU SAYYAF GROUP

AGRIMERO CRUZ JR.

ANTI KIDNAPPING TASK FORCE SULU COMMANDER P

BRGY

CHIEF SUPT

DEPARTMENT OF SOCIAL WELFARE AND DEVE

HUWEBES

LERMA JURA

MARINE BATTALION

NURHANI SIKANGKO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with