^

Probinsiya

2 sundalo todas sa NPA

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Dalawang sundalo ang napaslang habang isa pa ang nasugatan makaraang makasagupa ng tropa ng  militar ang mga rebeldeng New People’s Army (NPA) sa Barangay Buenavista, Himamaylan City, Negros Occidental noong Huwebes ng hapon. Ayon kay Major Ray Tiongson, spokesman ng Army’s 3rd Infantry Division, nagsasagawa ng peace and development program ang tropa ni Lt. Col. Ariel Reyes ng Army’s 47th Infantry Battalion nang  ratratin ng mga rebelde. Agad namang gumanti ng putok ang tropa ng mga sundalo na nagresulta sa 30-minutong bakbakan kung saan napatay sina Corporal Napoleon Supresencia at Private First Class Henry Lumio Jr. Isinugod naman sa pagamutan ang sundalong nasugatan na si Private First Class Leland Sucatre. Nagawa namang matangay ng mga rebelde ang dalawang M16 rifles ng mga napatay na sundalo.

ARIEL REYES

BARANGAY BUENAVISTA

CORPORAL NAPOLEON SUPRESENCIA

HIMAMAYLAN CITY

INFANTRY BATTALION

INFANTRY DIVISION

MAJOR RAY TIONGSON

NEGROS OCCIDENTAL

NEW PEOPLE

PRIVATE FIRST CLASS HENRY LUMIO JR. ISINUGOD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with