Rapist na Syrian, 1 pa timbog

CAMARINES NORTE, Philippines  -  Bagsak kalaboso ang  Sy­rian national at ang isang No.1 most wanted na kriminal  na kapwa nahaharap sa kasong rape matapos masakote ng mga awtoridad sa magkakahiwalay na operasyon sa lalawigan ng Camarines Sur at Camarines Norte kamakalawa.

Kinilala ni SPO3 Roberto Adupe ang naarestong dayuhan na si Jamal Abdullah, 74 anyos, residente ng Brgy San Juan Iriga, City, Camarines Sur.  Ang suspek ay inaresto sa bisa ng warrant of arrest na ipinalabas ni Judge Manuel Rosales ng RTC Branch 34 – Iriga City.

Samantala,  kalaboso rin ang binagsakan ng isang pang rapist na sinasabing No.1 most wanted na kriminal sa bayan ng Pili, Camarines Sur na nasakote naman sa Purok 3 Brgy. Dogongan, Daet, Camarines Norte.

Kinilala ni PO3 Rey Orjeta ang suspek na si Salvador Olitoquit, 55 anyos, may asawa at isang magsasaka sa nasabing barangay. Nahuli ang suspek sa bisa ng warrant of arrest na ipinalabas ni Judge Cecilia R. Borja-Soler ng RTC Branch 29 ng Libmanan, Camarines Sur.

 

Show comments