^

Probinsiya

Guro utas sa ‘akyat bahay’, ina, 2 anak sugatan

Ed Casulla - Pilipino Star Ngayon

LEGAZPI CITY, ALBAY , Philippines -– Dead-on-the-spot ang isang guro habang nasa malubha namang kalagayan ang 70-anyos na ina nito at dalawang anak matapos silang looban, kahapon ng madaling araw sa Zone 3, Brgy. Panoypoyan, Bula, Camarines Sur.

Nakilala ang nasawi na si Noreen Navo, 34, guro sa Sto. Niño Elementary School, habang ang mga sugatan na kaagad naman na isinugod sa ospital ay sina Amparo Navo, 70; mga anak ni No­reen na sina Albert Navo, 9 at Micah Navo, 4.

Agad namang nasakote ng mga awtoridad sa loob ng Bula Central School kahapon ng umaga sa isinagawang follow up operation ang isa sa mga suspect na kinilalang si Luis Relativo, 34, at residente rin sa natu­rang lugar.

Sa ulat ng pulisya ang insidente ay naganap sa pagitan ng ala-1:00 hanggang alas- 2:00 ng madaling araw habang ang mga biktima ay kasalukuyang natutulog sa loob ng kanilang bahay.

Sinasabing pumasok ang  suspek at agad na hinampas sa ulo si Noreen na kahit tuliro na ay  nagawa pa nitong makasigaw upang humingi ng tulong sa kanyang mga kasamahan sa loob ng bahay.

Ngunit maging ang ina nito na 70-anyos at ang dalawang anak ay hindi rin nakaligtas sa kamay ng suspek.

Kahit sugatan ay nakalabas ng bahay 9-anyos na biktima at humingi ng tulong.

Kaagad naman na ru­mes­ponde sa lugar ang mga awtoridad na nagsugod sa mga biktima sa pagamutan, gayunman nasawi rin si Noreen.

Sa isinagawang follow up operation ng mga awtoridad nasakote sa loob ng Bula Central School kahapon ng umaga ang suspek na si Relativo.

ALBERT NAVO

AMPARO NAVO

BULA CENTRAL SCHOOL

CAMARINES SUR

ELEMENTARY SCHOOL

LUIS RELATIVO

MICAH NAVO

NOREEN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with