Mister hiniya ng misis, nag-suicide

CEBU , Philippines  – Nagpasalubong kay kamatayan ang 37-anyos na mister na sinasabing kalimitang hinihiya ng kanyang misis sa harap ng mga kaibigan makaraang magbigti sa kanilang bahay sa bayan ng Aloguinsan, Cebu  kamakalawa. Hindi naman inihayag ang pagkakakilanlan ng biktima at maging ang pangalan ng misis dahil sa sensitibong isyu. Ayon kay PO3 Vincent Alquiza, lumilitaw na naging desperado ang biktima sa panglalait at pagpapahiya sa kanyang ng sariling misis sa ibang tao dahil sa kawalan nito ng trabaho. Maging ang mga anak at biyanan ay ikinahihiya ang biktima dahil sa pagiging jobless nito. Natagpuan ang bangkay ng biktima na nakabitin sa kisame ng kanyang bahay matapos dumating ang misis at anak mula sa kasalan.

Show comments