Rapist na lolo tinodas ng NPA rebels

LEGAZPI CITY, ALBAY, Philippines ––– Senentensyahan ng kamatayan ng mga nagpakilalang miyembro ng mga rebeldeng New People’s Army (NPA) ang isang 84 anyos na lolo na inireklamo ng rape ng isang 16 anyos na pamangking dalagita sa naganap na karahasan sa Sorsogon City, Sorsogon.

Ang biktimang  si Francisco Dogello, biyudo at residente ng Brgy. San Vicente, Bacon District ng lungsod ay idineklarang dead-on-arrival sa Sorsogon Provincial Hospital.

Sa ulat ng pulisya, naganap ang insidente bandang alas-7:30 ng gabi habang ang biktima kasama ang anak nitong si Ernesto Dogel­lo ay kumakain ng hapunan sa loob ng kanilang tahanan .

Dalawang armadong suspek ang bigla na lamang walang pasintabing pumasok sa bahay ng matanda saka pinagbabaril ito gamit ang cal. 45 pistol na bago tumakas ay nagpakilalang mga rebelde at sinabing hinahatulan nila ng kamatayan ang biktima dahilan isa itong rapist.

Nabatid na noong 2013 ay inireklamo ng isang dalagitang pamangkin ang matanda matapos umano siya nitong halayin.

Show comments