^

Probinsiya

2 paslit na magkapatid nalunod, 1 pa missing

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Dalawang paslit na magkapatid ang nasawi matapos na  malunod habang isa pa ang nawawala makaraang tangayin ng malakas na agos habang tumatawid sa ilog sa bayan ng Sta. Catalina, Neg­ros Oriental nitong Biyernes.

Kinilala ni National Disas­ter Risk Reduction and Ma­nagement Council (NDRRMC) Executive Director Alexander Pama ang mga biktima na sina Juliet, 8 anyos at Danny  Sabanal, 6 taong gulang.

Ang mga biktima ay narekober ang bangkay ng search and rescue team ilang oras matapos ang mga itong malunod.

Patuloy namang pinag­hahanap ang nakatatanda ng mga itong kapatid na si Shiela Sabanal, 16 anyos na tinangay ng malakas na agos ng tubig baha sa umapaw na ilog.

Sa ulat, kagagaling lamang sa eskuwelahan ng mga bata pasado alas-4 ng hapon at pauwi na sa kanilang tahanan ng tangayin ng malakas na agos sa ilog ng Brgy. Manalongon  ng bayang ito.

Ang mga biktima ay ina­butan ng pag-apaw ng ilog na tuluy-tuloy na nilamon ng rumaragasang baha na siyang kumitil sa buhay ng dalawang paslit.

Nabatid na ang pag-apaw ng ilog ay sanhi ng malalakas na pag-ulan sa lugar umpisa pa nitong nakalipas na mga araw.

 

vuukle comment

BIYERNES

BRGY

DALAWANG

EXECUTIVE DIRECTOR ALEXANDER PAMA

KINILALA

NATIONAL DISAS

RISK REDUCTION AND MA

SHIELA SABANAL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with