Trak vs tractor: 7 kritikal

TUGUEGARAO CITY, Cagayan , Philippines   – Pito-katao kabilang ang mag-asawang matanda ang malubhang nasugatan makaraang salpukin ng truck ang kanilang kuliglig tractor trailer sa kahabaan ng highway sa Barangay Calantac, bayan ng Alcala, Cagayan kamakalawa.?Kabilang sa mga sugatan ay ang mag-asawang Pedro Gallardo, 67; Evelyn Gallardo, 69; mga anak na sina Perlas Gallardo, 41; Pauline Felix, 42; Enggie Felix, 27;  at mga apo na sina Joy Felix, 13; at Jaime Felix, 4, mga residente ng Barangay Carupian sa bayan ng Baggao.  Ayon kay PO2 Guilbert Pajarillo, pauwi na ang mga biktima mula sa dinaluhang okasyon sa kanilang bayan nang salpukin ng trak ang kanilang sasakyang minamaneho ni Wilson Felix. Lumalabas sa imbestigasyon na nagtangkang kumaliwa ang sasakyan ng mga biktima kung saan hindi naman napansin ang paparating na trak ni Penalber Pattung kaya naganap ang sakuna. Sa lakas ng impact ay gumulong ang trailer tractor sa gitna ng kalsada habang masuwerteng nakatalon ang driver na si Felix.

Show comments