2 sundalo todas sa NPA

LEGAZPI CITY, Albay , Philippines   - Dalawang sundalo na lulan ng motorsiklo ang napatay makaraang tambangan ng mga rebeldeng New People’s Army kamakalawa ng hapon sa Barangay Busac, Ligao City, Albay. Kinilala ang dalawa na sina Pfc. Jaynard Guinoo at Pfc. Louie Jardio na kapwa nakatalaga sa 91st  Reonnaisance Company ng Phil. Army na nakabase sa Barangay Oma - Oma sa nasabing lungsod. Sa police report, lumilitaw na pabalik na sa kampo ang dalawa mula sa surveillance operation nang tambangan bandang alas-4:10 ng hapon. Nabatid na rumesponde lamang ang dalawa makaraang makatanggap ng impormasyong may gumagalang NPA sa nasabing lugar.

 

Show comments