BAYOMBONG, Nueva Vizcaya, Philippines - – Nahaharap sa kasong graft sa tanggapan ng Ombudsman ang gobernador, bise gobernador at ang 12-Board Members sa lalawigang ito dahil sa sinasabing kwestiyonableng pagbili ng mga sasakyan na nagkakahalaga P18 milyon.
Kabilang sa mga kinasuhan ay sina Gov. Ruth Padilla, Vice Governor Epifanio Galima at mga Board Member na sina Efren Quiben, Victor Ginez, Nestor Sevillena, Dolores Binwag Donior Tidang, Johnny Liban, Pepito Balgos, Filma Perez, Santiago Dickson, Primo Marcos, Flodemonte Gerdan, Merlie Talingdan at si Rex Iritan.
Kinilala ang mga tax payers na nagsampa ng kaso na sina Edgar Bartolome, announcer ng DWRV Radio Veritas; Alfonso Shog-oy, kagawad sa bayan ng Aritao; Emmanuel Minia, ex-local government employee; at si Fernando Villoso, ex-barangay chairman sa bayan ng Bambang.
Sinasabing ang mga opisyal ng lalawigang ito ay sinampahan ng kaso sa tanggapan ng Ombudsman for Luzon dahil sa paglabag sa Republic Acts 3019 (Code of Ethics for Public Officials and Employees) at 6713 (Anti Graft and Corrupt Practices Act).
“The Sangguniang Panlalawigan (provincial board) of a province is not a frontline office, thus, the members thereof are not entitled to be given service vehicles of any kind,†ayon sa dokumento na inihain ng mga nagsampa ng kaso.
Samantala, sinabi naman ng lokal na pamahalaan ng Nueva Vizcaya na ang pagbili nila sa mga sasakyan ay aprubado naman ni DILG Secretary Mar Roxas.
“DILG Secretary Roxas approved the purchase (of the vehicles), pahayag naman ni Vice Governor Galima.