Ambush: Driver ng ex-pulis dedo

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines – Napatay ang  48-anyos na driver ng ex-pulis habang natakasan naman nito si kamatayan sa naganap na pananambang sa kanilang owner-type jeep sa kahabaan ng highway sa Barangay Apanay, bayan ng Alicia, Isabela kamakalawa. Kinilala ni P/Chief Insp. Edilmar Alviar, hepe ng Alicia PNP ang napatay na si Bonifacio Gabriel habang sugatang naisugod sa Santiago City Sanitarium Hospital ang dating pulis na si Nicasio Bautista ng Barangay San Fernando sa nasabing bayan. Naniniwala si Alviar na si Bautista ang target ng gunmen dahil isinasangkot ito sa sinasabing pagpatay sa dalawang tauhan ng isang pulitiko sa Isabela noong nakalipas Pebrero.

Show comments