Mag-utol, pinsan lunod sa ilog

CAMARINES NORTE , Philippines   - Nauwi sa pagluluksa ang kasiyahan ng magpipinsan matapos malunod ang mag-utol at pinsang lalaki habang naliligo sa Himoragat River sa Barangay Binalay, bayan ng Tinambac, Camarines Sur kamakalawa ng hapon. Kinilala ang mag-utol na sina Abegail Alilano, 18; Alvin Alilano, 10, kapwa nakatira sa Barangay Taytay, bayan ng Goa, Camarines Sur; at ang pinsan na si Jaslyn Alilano, 20, ng  Britany Homes, San Isidro, Antipolo City, Rizal. Nabatid na nagkayayaan ang mga biktima na maligo sa nasabing ilog subalit sa lakas ng agos ay tinangay sila sa malalim na bahagi. Ilang residente ang sumaklolo sa mga biktima subalit hindi na umabot ng buhay sa Tinambac Infirmary Hospital.

Show comments