Binata dedo sa ex-lover ng kalaguyo

LEGAZPI CITY, Albay, Philippines - – Napaslang ang 30-anyos na binata matapos saksakin ng ex-lover ng kanilang kalaguyo kamakalawa ng gabi sa Purok 4, Barangay 1 sa bayan ng Malilipot, Albay. Hindi na umabot ng buhay sa Bicol Regional Training and Teaching Hospital ang biktimang si Roque Binas habang pinaghahanap naman ng pulisya ang suspek na si Jomar Bolanos. Sa ulat ng pulisya, pinasok ng suspek ang bahay ng magkalaguyo saka sinaksak ang biktimang nasa kusina. Tinangkang awatin ng babae ang suspek subalit maging siya ay sasaksakin sana subalit nakatakbo palabas ng kanyang bahay kung saan nakahingi naman ng tulong sa ilang kapitbahay.

Show comments