MANILA, Philippines - Magkakasabay na sinalubong ni kamatayan ang 39-anyos na ina at anim nitong anak na kabilang sa mga evacuees ni super typhoon Yolanda makaraang masunog ang pansamantala nilang tinutuluyan sa Tacloban City kahapon ng madaling araw.
Ayon kay F/Senior Supt. Pablo Cordeta, regional director ng Eastern Visayas Bureau of Fire Protection (BFP) dakong alas-12:20 ng madaling araw nang masunog ang tent city na naÂging tirahan ng mga biktima.
Naisugod pa sa Eastern Visayas Medical Center subalit namatay ang magkakapatid na sina Cathleen Ocenar, 12; Justine, 9; Jasmine Claire, 5; Jovelyn, 3; at si Jacklyn, 4-buwang gulang na sanggol.
Sa television interview ay kinumpirma naman ni TacÂloban City Mayor Alfred Romualdez na namatay na rin ang ina ng mga bata na si Maria Eliza Ocenar habang nasa kritikal namang kondisÂyon ang isa pa nitong anak na si John Mark, 7, subalit naÂmatay din makalipas ang ilang oras.
Nagkataon namang wala sa kanilang tahanan ang ama na si Reynante Ocenar na isang mangingisda.
Sa inisyal na imbestigasyon na isinumite sa Camp Crame, bandang alas-12:20 ng madaling araw nang tupukin ng apoy ang tent city na temporary shelter ng pamilya Ocenar sa Costa Brava, Barangay San Jose, Tacloban City.
Nakulong ng apoy ang mga biktima habang mahimÂbing na natutulog kung saan ang sunog ay naapula bandang alas-12:30 ng madaling araw.
Nagawa pang maisugod ang mga biktima sa Eastern Visayas Regional Medial Center at St. Paul Hospital pero magkakasunod na namatay.
Lumilitaw na nagsilbing tuluyan ng mga evacuees ng super typhoon Yolanda ang tent city noong Nobyembre 2013 na kung saan ang pinakagrabeng sinalanta ng bagyong Yolanda ay ang Tacloban City at hanggang ngayon ay patuloy pa ang rehabilitation program.