Magnitude 4.5 na lindol tumama sa Davao Occ

MANILA, Philippines – Niyanig ng magnitude 4.5 na lindol ang lalawigan ng Davao Occidental ngayong Lunes.

Naitala ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) ang sentro ng lindol 38 kilometro timog-silangan ng bayan ng Jose Abad Santos, bandang 2:50 ng madaling araw.

May lalim na 129 kilometro ang lindol.

Wala namang naitalang nasaktan o pinsala sa lindol, ayon pa sa Phivolcs.

Wala ring inaasahang aftershocks ang state volcanology.

Show comments