Ex-chairman dinedo sa sabungan

MANILA, Philippines - Napatay ang 64-anyos na dating barangay chairman makaraang pagbabarilin ng di-kilalang lalaki sa loob ng sabungan sa Barangay Esperanza, bayan ng Carmen Surigao del Sur kamakalawa ng hapon. Napuruhan sa katawan ang biktimang si Herminigildo Sullano ng Barangay San Vicente sa bayan ng Madrid habang isinasalba naman sa Madrid District Hospital  ang isa pang biktima na si Ruel Sullano, 38. Nabatid sa ulat ng pulisya na abala ang biktima sa pagkri-kristo sa sabungan habang hawak ang mga sasabunging manok nang lapitan at ratratin ng gunman. Tinamaan naman ng ligaw na bala ng cal. 45 pistol ang sabungerong si Sullano. Nakatakas naman ang gunman habang narekober sa crime scene ang mga basyo ng bala ng baril.

 

Show comments