BATANGAS , Philippines – Apat-katao ang kumpirmadong namatay habang tatlo naman ang sugatan matapos araruhin ng kotse ang dalawang traysikel na nakaparada sa gilid ng highway sa Barangay San Agustin sa bayan ng Ibaan, Batangas kahapon ng umaga.
Kinilala ni P/Senior Insp. Ramses De Castro, hepe ng Ibaan PNP ang mga namatay na sina Ferdinand Uy, Glenn Miñas, Bernie Supnit, at si Niña Gariando.
Ayon sa ulat, sina Uy, Miñas at Gariando ay mga sakay ng Honda Civic (WHJ-577) habang sakay naman si Supnit ng isang traysikel.
Sugatan naman sina Lovely May Castillo,15; DianÂne Bolima,16; at si Jomar Sanchez, 21, na sakay din ng kotse at mga nakatira sa bayan ng Rosario, Batangas.
Base sa police report, binabagtas ng Honda Civic na minamaneho ni Uy ang kahabaan ng highway sa nabanggit na barangay nang mag-overtake ito sa motorsiklo.
Gayon pa man, nawalan ng kontrol ang driver ng kotse hanggang sa sumalpok sa dalawang traysikel na nakaparada bandang alas-8:20 ng umaga.
Isinugod ang mga biktima sa Queen Mary Hospital sa nasabing bayan subalit apat ang namatay habang patuloy naman ang imbestigasyon.