^

Probinsiya

Magsasaka dinedo sa inuman

Rhoderick ­Beñez - Pilipino Star Ngayon

NORTH COTABATO , Philippines  â€“ Napatay ang 33-anyos na magsasaka makaraang barilin ng kainuman nitong barangay kagawad sa Sitio Nueva Fuerza, Barangay Cabaruyan sa bayan ng Libungan, North Cotabato kahapon ng umaga. Napuruhan sa kanang bahagi ng dibdib ang biktimang si Michael Mension habang tumakas naman ang suspek na si Kagawad Carlito Amistoso, kapwa nakatira sa nabanggit na barangay. Sa ulat na nakarating kay P/Chief Insp. Bernard Tayong, hepe ng Libungan PNP, lumilitaw na napikon ang suspek sa inasal ng biktima kaugnay sa matagal nilang alitan habang nakikipag-inuman sa tindahan ng pamiya Chavez. Kaagad na binoga ng suspek ang kainumang biktima saka tumakas habang narekober naman sa crime scene ang basyo ng bala ang cal. 30mm pistol.

 

vuukle comment

BARANGAY CABARUYAN

BERNARD TAYONG

CHAVEZ

CHIEF INSP

KAAGAD

KAGAWAD CARLITO AMISTOSO

LIBUNGAN

MICHAEL MENSION

NORTH COTABATO

SITIO NUEVA FUERZA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with